Magkakaibigan na Nag Ambag Para Mabilhan ng Bagong Sapatos ang Kaibigan - Daily News | Living and Loving Philippines

Daily News | Living and Loving Philippines

Breaking

Home Top Ad

Klook.com

Post Top Ad

March 5, 2018

Magkakaibigan na Nag Ambag Para Mabilhan ng Bagong Sapatos ang Kaibigan

Nitong January 23, 2018, Nag post si Charles Lester Nerizon Poscablo ng video sa Facebook kung saan makikitang nag ambagan silang magkakaibigan upang matulungan ang kanilang kaibigan. Base sa video at picture sa post, sira na at malaki na ang butas ng sapatos ng kaning kaibigan.



Sa video na kanilang ipinost, makikitang sira na ang sapatos ni Michael Lina Basallote. Kasama ng kanyang mga kaibigan, nasa bilihan na sila ng sapatos at nagsusukat na sya ng sapatos na kakasya sa kanya. Makikitang masayang masaya si Michael sa ginawa ng kanyang mga kaibigan.


Ang video na ipinost nila ay may caption na "Bayanihan para sa shoes ng kaibigan - wag puro sa alak ang ambagan". Umabot ng sa milyong milyong views ang video na may 45,819 shares and mahigit 23,000 likes.

Na-feature din ang video sa I JUANder kung saan makikita ang closeness at kagandahang loob ng magkakaibigan. Tunay na kahanga hanga ang ginawa ng magkakaibigan at sana ay magin halimbawa sila ng bawat batang pinoy.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad